Biyernes, Mayo 26, 2017

San Roque de Mabolo, Pag-asa ng mga May-sakit at ng mga Binata't Dalaga

PANIMULA
Isa sa mga Pintakasi ng ating Parokya si San Roque, at hindi sa malamang dahilan, ay mas dinarayo siya sa kanyang Kapistahan tuwing Mayo 12, kaysa sa Tunay niyang Pista tuwing Agosto 16. Hindi rin sa Pagkukumpara, sinasabing mas Masaya ang Pista ni San Roque tuwing Mayo kaysa sa Kapistahan ng Parokya na ginaganap tuwing Nobyembre 12 taon-taon. Ito'y marahil sa Panahong ito ay walang Pasok ang mga Mag-aaral. Siya rin ang isa sa Tatlong Pintakasi ng Parokya sa simula't simula pa.

Halina't ating Alamin ang Hiwaga ni San Roque.

Isang Estampita ng Orihinal na Imahen ni San Roque na nasa Pangangalaga ni Bro. Bradley Gerald Ko
TALAMBUHAY NI SAN ROQUE

Siya ay Anak ng isang Gobernador sa Monpeller, Bansang Francia. Siya ay Naulila sa Edad na Labingdalawa sa kanyang Ama, at Edad na Dalawapu sa Kanyang Ina. Sinasabing si San Roque ay Hiningi ng kanyang mga Magulang sa Mahal na Birhen at noong ito'y Ipinanganak ay Nakita ang isang Krus na Mapula sa kanyang Dibdib na ikinahula ng mga Kabanalang Gagawin niya. Noong Maulila siya sa kanyang Magulang, ang Lahat ng kanyang Kayamanan ay kanyang Ipinamahagi ng Lihim sa mga Mahihirap. Nagdamit siya'y Peregrino at Naglakbay patungong Roma. Sa lahat ng bayang nadadaanan niya ay may Salot na Pumupuksa sa mga Tao, kaya't siya'y Nanggagamot sa Pamamagitan ng Pag-kukrus sa mga May-sakit at sila'y Gumagaling. Sa Roma, Siya'y nakahalik sa mga Paa ng Papa Benedicto XI. Sa Bayan ng Placencia, Sinubok siya ng Diyos. Nahawa si San Roque ng Salot at Pinatapon siya sa Gubat, doon ay Hindi siya Pinabayaan ng Diyos, may Nagdadala kay San Roque ng Tinapay at ang nagdadala nito ay isang Aso. Noong Gumalin si San Roque, Siya ay Bumalik sa sarili niyang Bayan, ngunit hindi siya nakilala ninuman at Inakusaan pang Espiya ng kanilang Kaaway. Hinatualan siyang Mabilanggo Habang-buhay ng kanya mismo Tiyuhin. Namatay si San Roque noong Agosto 16, 1327 at Nakita ang isang Tablang Kinasusulatan nito: "AVISO, Los Que Fueren Heridos de Peste E Implora de ROQUE Alcanzaran, SALUD" Na ang Kahulugan ay "Kung Sino mang Tumawag sa aking Aliping si ROQUE ay Ipag-aadya ko laban sa Salot, Alang-alang sa kanya." Siya ang Patron ng mga May-sakit at mga Tinamaan ng Salot.

Malapitang Kuha sa Orihinal na Imahen ni San Roque
KASAYSAYAN NG PAGKAKAPULOT SA ORIHINAL NA IMAHEN NI SAN ROQUE SA MABOLO AT ANG KASAYSAYAN NG ERMITA SA KARANGALAN NG MAHAL NA PATRON

Ayon sa Pagtatanong-tanong sa ilang mga Matatanda sa Baryo, Sinasabing ang Imahen ni San Roque ay Napulot sa isang Bakawan, kung saan ngayon nakatayo ang Ermita sa Karangalan ng Mahal na Patron.  Ito raw ay Galing sa Bayan ng Meycauayan at nadala rito sa Mabolo dahilan sa isang Unos. Isang Gabi daw ay may Malakas na Unos ang Dumatal sa Bayan ng Meycauayan at Polo, Nagkaroon ng matinding Baha at dahilan dito ay Naanod ang Imahen ni San Roque mula sa Meycauayan hanggang sa ito'y mapasabit sa Bakawanan sa Likod ng Kamalig. Matapos ang Unos ay Nakita nila ang Imaheng ito ni San Roque na napasabit sa Bakawan, ito'y kanilang Kinuha at nilinis, at dinala muna ito pansamantala sa loob ng Kamalig. Napag-alaman ng May-ari ng Kamalig na ito'y Galing sa Meycauayan, kaya't napagpasiyan niya na Ibalik ito sa Meycauayan. Nang ito'y Bubuhatin na at dadalhin sa pabalik sa Simbahan ng Meycauayan, ay sa hindi malamang Dahilan ay Napakabigat ng Imahen, samantalang noong kanila ito nakuha sa Bakawan ay napakagaan. Napagwari nila na nais ni San Roque na siya ang Gawing Patron ng Baryo, kaya't nagpatayo ng isang Kapilya sa Kanto ng ngayo'y B. Espiritu Street (Ito'y ayon sa isang Kwento ng Matanda na Tubong Mabolo na mas kilala bilang San Roque). Maraming Milagro ang Naramdaman sa Dambana ni San Roque kaya't napagkasunduan na Palakihin ang Bisita, ngunit dahil sa Dumaraming nagiging Deboto ni San Roque, ay napagkasunduan ng May-ari ng Kamalig at ng mga Mamamayan dito na Gawing Simbahan ang dating Kamalig, kung saan sa Likod nito ang lugar kung saan nakuha ang Milagrosong Santo. Ito ngayon ang Ermita de San Roque, kung saan nakatintig pa rin sa kabila ng Baha, Lindol, at mga Delubyo sa nakalipas na Ikatatlong daang taon na ang nakakalipas mula ng maitayo ito. Noong Panahong Nasira ang Simbahan, dahil sa Giyera noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Naging Pansamantalang Parokya ni San Diego ang Ermita ng San Roque, ito'y noong nasa Panunungkulan ni Mons. Prudencio Aguinaldo.

Imahen ni San Roque na Inilalabas sa Pista ng Agosto

ANG DAKILANG MILAGRO NI SAN ROQUE SA MABOLO: ANG UMPISA NG SAYAW-PASASALAMAT SA MAHAL NA PATRON AT ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAY PISTA TUWING MAYO 12

Isa sa mga Tradisyon na nating mga Filipino ang Pagdiriwang ng Pista, na namana natin sa mga Kastila na Sumakop sa ating ng Mahigit Talumpung daang taon (300 years). Dito sa Baryo ng Mabolo, laging dinarayo ang Ermita tuwing Mayo 12, sa halip na Agosto 16 na sa katunayan, ay ang talagang Araw ng kanyang Kapistahan ayon sa Kalendaryong Romano Vaticano. Bakit nga ba siya Dinarayo tuwing Mayo at Hindi Agosto? Ating itong Alamin;
Ayon sa mga Matatanda, ang Pista ng Mayo ay Tinatawag na "Pistang Matanda" at ang Pista ng Agosto ay "Pistang Bata". May malalim na Kasaysayan kung bakit ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Roque tuwing Mayo.

Noong 1763, Ginawang Kampo ang Kasalukuyang Ermita ng Mahal na Patron, ng mga Kastilang Pinamumunuan ni Gobernador Simon de Anda. Dala nila ang natitirang Kayamanan ng Pamahalaang Kastila. Sila ay Tumatakas sa mga Ingles na Humahabol sa Kanila upang kunin ang natitirang Yaman ng mga Kastila sa Pilipinas. Dahil sa Takot ng mga mamamayan ng Polo at Mabolo, sila'y Lumikas sa gawing Gubat na ngayo'y Veinte Reiales. Ilang Buwan ang kanilang inilagi roon, may mahigit Apat na Buwan. May ilan na Patagong Nagtutungo sa Mabolo na nakita na Wala na roon ang mga Kastila, kaya't sila'y nagbalik na sa kani-kanilang Tahanan. Nagkaroon ng Salot (Plague) sa Polo hanggang sa Mabolo, marami ang Namatay dahil dito, Dalawang Sakit ang Sinasabing kumalat dito, ito ay ang Cholera at Malaria. Ang Sakit na ito ay kanilang nakuha samantalang sila'y naglalagi sa Gubat at nadala nila ito hanggang sa kanilang Pag-uwi. Dahilan sa kanilang matinding pananalig sa Diyos at sa kanilang Taimtim na Debosyon kay San Roque, Nagsagawa ng "Pag-Lulutrina", (Lutrina: Isang Prusisyon na may kasamang Panalangin, kung saan hinihingi rito ang isang biyaya. Halimbawa: Nagkaroon ng Matinding Tag-tuyot sa Bukirin, ilalabas ng mga Magsasaka ang Isang imahen ng Mahal na Birhen o ni San Isidro Labrador na Patron ng mga Magsasaka at sila'y Mag-pruprusisyon at Mananalangin upang Humingi ng Ulan) Upang Hingin sa Diyos sa Tulong ng Panalangin ni San Roque, Patron ng mga Nasasalot, ang kagalingan ng buong Bayan. Sa bawat Madaanan ng Prusisyon, ang Lahat ay Gumagaling at silang lahat ay Nagkasiyahan at Nagsayawan sa Harap ng Mahal na Patron bilang Pasasalamat sa Biyayang Kagalingang Nakamit mula sa Diyos sa tulong ng Panalangin ni San Roque. Ang Pangyayaring ito ay Naganap noong Mayo 12, 1763,  at ito'y ipinagpatuloy hanggang sa ngayon, upang Alalahanin ang Biyayang Natamo mula sa Diyos sa Tulong ni San Roque. Ang Mayo 12 ay Tinawag na "Pistang Matanda" dahil ang inilabas na Imahen ni San Roque ay ang Mismong Napulot sa Bakawan na nangyari ilang taon na ang Nakakalipas, na patuloy na isinasagawa hanggang ngayon. Tinawag naman na "Pistang Bata" ang Agosto 16, dahil kamakailan lamang ito ipinagdiwang ng mga Taga-Mabolo.
Naging Tradisyon din sa Mabolo, ang Sayawan ng mga Binata't Dalaga na nag-hahanap ng Asawa, Patunay dito ang Taon-taong Isinisigaw ng mga Kabataan:"Isayaw, Isayaw! Isayaw, isayaw!!'' Ngunit ang Tradisyon ito ay walang Kakabit kay San Roque na Nagpapagaling nang mga May-sakit, kundi bagkus isang Paniniwala na ibibigay ni San Roque ang Karapat-dapat na magiging Kabiyak ng Puso o Magiging Asawa niya.

ILAN PA SA MGA MILAGRO NI SAN ROQUE NA NARANASAN NG KANYANG MGA DEBOTO DITO SA MABOLO

Sinasabing Pista ni San Roque ng Mayo ay may Isang Hindi Katoliko o isang Iglesia ni Cristo ang biglang Sumigaw ng Ganito: "Harya! Sige! mano po, San Roque! Bigyan mo ako ng Kabaong!!". Maraming Ulit niya itong sinasabi, at Makalipas ang Isang Araw, Matapos ang Pista ni San Roque, Nakita itong Hinimatay sa Harap mismo ng Ermita ni San Roque. Dali-dali Pinabuksan ang Ermita at Isinayaw ito sa Harap ni San Roque, at isinisigaw: "Harya, Sige, Mano po, San Roque, Buhayin mo siya!" Matapos ang ilang ulit na Pagsasaywa, ay Nabuhay muli ang Lalaki at Nagpabinyag bilang Katoliko.

Si Mrs. Dolores Marcos naman, ay matagal nang Hindi Magkaroon ng Anak. Minsang Nagnobena siya ay Hiniling niya na sana'y siya'y Pagkalooban ng isang Anak. At Makalipas ang Ilang Buwan ay Nabuntis siya at ipinanganak ang isang Lalaking Anak na ang Pangala'y Mico Marcos. At Taon-taon, si Mrs. Marcos ay Nagbubuo ng Siyam na Araw na Nobenaryo at Mismong Pista bilang Pasasalamat sa Biyayang Natamo sa Tulong ni San Roque.

May Kasabihan din, kapag Umulan ng Pista ng Mayo, ay may Hindi magandang Nangyayari sa sa Loob ng mga Tagapangasiwa ng Fiesta. Sinasabi rin na kapag, hindi inilabas ang Orihinal na Imahen ni San Roque ng Pista ng Mayo, ay Uulan.

Ilan lamang ito, sa mga Milagro na Natamo sa Tulong ng Panalangin kay San Roque.

PANALANGIN SA MAHAL NA PATRONG SAN ROQUE, IKATLONG PATRON NG POLO, PINTAKASI SA BARYO NG MABOLO

Ay Panginoon kong Diyos, na sinuguan mo ng Anghel, ang Maluwalhating San Roque, at pinahatiran mo siya ng Kaputol na Tabla, na doo'y Pinagtibay mo sa kanya, na di maano sa Hampas ng Salot, ang Sinumang Mamimintakasi sa kanya, Magdalita ka't kamibg lahat; na nag-aalaala sa kaniyang Panibago, ay Pagkalooban mong Mangaligtas sa Salot na Nakamamatay sa Kaluluwa't Katawan. Pakundangan kay Heaukristong aming Panginoon. Amen.
San Roque, Ipanalangin mo kami!

Ang Orihinal na Imahen ni San Roque
Reference:
1. Marker sa Harap ng Ermita de San Roque
2. Pagtatanong sa ilang Matatanda na Taga-Mabolo at Nakaka-alam ng mga Kwento  sa ating Ermita.
3. Orihinal na Kopya ng Pagsisiyam sa Mahal na Patron, para sa Talambuhay at Panalangin.